PLDT and Smart Announces 30 day Payment Extension Period

Share:
Dahil sa kinakaharap nating krisis ngayon, ipinapalabas ang utos na manatili muna tayo sa kanya-kanya nating tahanan para maiwasan ang paglaganap sa COVID-19. Mahihirap ang karamihan sa pagbabayad ng kanilang bills dahil na rin sa pagpahinto ng mga iba't-ibang trabaho, ma-pribado man o publiko para na din ito sa kaligtasan ng mga manggagawa.

Marami ang naapektohan sa "NO WORK, NO PAY" kaya nagpalabas ng announcement ang PLDT at Smart ng 30 day payment extension period sa kanilang mga postpaid subscriber nationwide. Upang hindi lalong mahihirapan ang mga apektadong mamayan.

Hindi lang kasi bills payment ang iniisip ng karamihan sa ngayon. Mas priority pa rin ang budget ng pagkain at gamot lalo na't wala pang nakakaalam kung kailan ito matatapos at mahihinto ang paglaganap ng COVID-a9.

Goodnews ito para sa lahat na mayrong babayarin sa kanilang internet connection at kung ano pag serbisyo gamit at PLDT at Smart.

Sa mga nag-iisip kung saan kukuha ng pambayad ng inyong bills ngayong buwan dahil nga nasa bahay lang tayo, huwag nyo munang isipin ang mga babayarin nyo na yon dahil mayron pa tayong 30 day extension. Saka nalang natin gawan ng paraan kapag wala na itong krisis na kinakaharap nating mga Filipino.

Ang anunsyong ito ay ipinaabot sa lahat through their facebook page "PLDT". Para sa mga mahahalagang anunsyo at iba pang impormasyon, maaari nyong bisitahin ang kanilang page sa facebook: https://www.facebook.com/PLDTpublicaffairs/ or ang kanilang website: https://smart.com.ph/

No comments