Biktima Ka Ba Ng CashLending?

Hindi ito ang unang pagkakataon na pina-published namin dito sa UPANGPERA.PH ang isang hindi magandang sitwasyon pagdating sa paniningil ng isang online lending company. Nangunguna sa maraming reklamo dito sa amin ang CashLending. Mahirap hagilapin ang pamunuan ng CashLending para sana maging fair kami sa pagawa ng review sa kanila pero sa email at sa page nila, ni anino ay walang lumalabas at kausapin kami. 

Isang client na naman nila ang nagsumbong sa amin dahil sa panghaharas ng collecting agent ng CashLending. Dahil sa proseso ng mga lending apps ngayon na kukunin ang mga contacts ng applicants, lahat ng tao na naka stored sa phonebook na applicants ay makukuha nila prior sa aproval ng kanilang loan application. Walang kawala ang applicants kung sakaling ma-delayed o walang planong magbayad. Kung ayaw nilang mapahiya sa mga kakilala, kaibigan at kamag-anak, siguradong magbabayad ang mga ito kapag nakakatanggap ng pagbabanta.

Lagi naming sinasabi na HUMIRAM sa mga LENDING app "AT YOUR OWN RISK". Mahirap minsan tuparin ang mga pangako. Hindi naman namin sinabing sinasadyang delayed o hindi magbabayad ang mga hinaharas. Hindi kasi natin alam kung anong mga hindi inaasahang pangyayari. Dapat sana ay magbigay sila ng mga palugit hindi yong deretsahang ipapahiya.

Yon lang din kasi ang habol nila dahil hindi naman sila napunta sa mga bahay-bahay dahil wala din silang ipapakita na mga legalities sa kanilang operasyon. Paano maging lehal ang isang lending company kung ang interest rate nito ay abot hanggang leeg. Bukod sa interest, karamihan ay 14 days lang dapat bayaran mo, kung hindi ---ipapahiya ka sa mga kakilala mo.

Isang halimbawa ng mensahe mula sa mga collecting agent ng mga online lending company, pakibasa ng mabuti at kung maaari magbigay kayo ng kuro-kuro para sa taong involve ng mensaheng ito:

Good day this is Mike from cashlending follow up ko lang yong bayad mo kong hindi ka makakabayad ngayon sabi ng boss ko text at tawagan ko na lahat ng nasa contacts mo pasensyahan nalang .

Bayaran mo nalang kong ayaw mong malaman ng mga nasa contacts mo ang utang mo mapapahiya ka talaga sakin.
(CASHLENDING) 

Pabigyan nmn din ng review ang cashlending isa din sila sa abusong nagpapautang taas ng interes lalo mamumulubi..uutang ka ng 10k matatanggap mo 8950 sa loob ng 14days lamang.tapos na delay lang ako ng isang araw pinag tetext na lahat ng nasa phonebook ko..til nw pataas ng pataas ang interes ko kada araw...kaya napagpasyahan ko na di na bayaran tanggapin ko ang risk since May pa ako umuutang sa knila at ngaun ko lng narealize  lahat..tapos ganyan pa sila magtext mas lalo ko silang di babayaran manakot pa..please hide nalng may identity..thanks

ANONYMOUS

Hindi naman lahat ng na-delayed or matagal nakabayad ay sinadyang gawin ito. May mga pagkakataon lang talagang hindi inaasahan at hindi maiiwasan. Sana ang mga lending companies huwag naman maging bastos. Mas lalong hindi sila mababayaran kung ang borrowers ay napuno sa mga paninindak ng mga collectors.

Hindi na mabilang ang reklamo na natatanggap namin dito sa USAPANGPERA.PH, inuulan kami ng reklamo dahil sa palpak a serbisyo ng karamihang lending company. Huwag naman silang masyadong mamilit at idaan nalang sa pahiyaan para lang magbabayad. Sa totoo lang, yong mga taong hindi talaga magbabayad, kahit ipahiya mo pa yan ng isang milyon beses, hindi talaga yan magbabayad.

Kaya ang payo ko sa mga lending companies, hinay-hinay lang baka mas lalo kayong hindi mababayaran. At dapat ibaba naman nila ang kanilang iterest para hindi mahihirapan sa pagbabayad ang mga umuutang. Dapat hindi puro pera ang ilagay sa isip kundi kung papaano tayo nakakatulong sa kapwa.

CashLending - kung gusto nyong marinig din ang inyong panig, inaanyayahan namin kayong makipag-ugnayan sa amin dito sa USAPANGPERA.PH. Antayin namin ang panig nyo kung talagang, gusto nyong magpatuloy pa ang inyong serbisyo sa mga Filipino.

Post a Comment

0 Comments