Pondo Peso -Paano Magbabayad ng Inyong Loan?

Share:
PondoPeso  -Paano nga ba magbayad ?

Malapit na ba ang due date mo kay pondopeso , kung isa kayo sa mga nakapagloan na dito alam niyo din na kaya nila iaccess maging ang calendar sa inyong mobile phone.
Naglalagay sila ng reminder sa calendar kung kailan ang iyong due date o date of repayment.

May limang paraan para magbayad kay pondopeso.
Pumunta sa app at iclick ang bill button , input your email address at iclick ang "Pay Immediately" button.
Pagkatapos lalabas ang iyong Contract Number o Billing Information then swipe left.
Pagka swipe mo makikita mo ang mga paraan kung paano makakabayad sakanila.

Ang unang paraan ay ang pagbabayad sa Ecpay , kung mayroong malapit na kiosk o pawnshop ng Ecpay sa inyong lugar pwede mo ito piliin na payment method. Bibigyan ka ng Pondopeso ng Reference number at Receiver name kung saan at kanino mo isesend ang iyong payment.

Pangalawa naman ang pagbabayad sa 7/11 dahil merong branches nationwide ito sigurado merong malapit na 7/11 sa lugar ninyo.
Ang Merchant o Biller name ay si Pay Express 2 . I-input lamang ang reference number na ibinigay sa iyo ni pondopeso o iscan ang barcode na isinend nila sa email mo.
Pagkatapos magbayad picturan agad ang resibo at isend sa kanilang customer service para maclear na ang loan mo.

Pangatlo naman ang Gcash , kung ikaw ay may Gcash account mas convenient ito gamitin dahil hindi mo na kailangan lumabas pa upang maghanap ng 7/11 o ecpay sa inyong lugar . Magsesend sila sa inyo ng kanilang Gcash Account kung saan mo sila babayaran.

Pangapat naman ay through Bank Deposit o Online Banking , may tatlo silang Bank Options na pwede mong pagpilian meron silang BDO , UnionBank at PNB .
Kada bank options na aking nabanggit ay meron silang account number kung saan mo idedeposit o itatransfer ang iyong payment.

Panglima ang Mlhuillier tulad lang din sa Ecpay , magbbgay ito ng reference number at receiver name.

Pwede kayong pumili sa mga nabanggit ko kung saan mas convenient para sa inyo ang pagbabayad kay Pondopeso.
Magandang Buhay!

No comments