PAGASA -The Simple Guide on How To Apply a Loan?

Share:
Lumalawak na ngayon ang coverage ng Pagasa Lending sa buong Pilipinas. Kung kayo ay naghahanap ng mauutangan, pakibasa po ito hanggang sa kataposan para maliwanagan at ma guide kayo paano maging member at maka avail ng kanilang services. Kung saan-saang probensya na mayrong Pagasa Lending. 

Isa din sila sa mga mayrong mga collection agent na nag-iikot sa mga barangay at sa bayan. Tatlong uri ng pautang ang kanilang ino-offer sa mga tao.

1. SGL or Small Group Loan - a minimum of 10 person sa isang group. Kung hindi pa kayo nakabuo ng sampu, pwede kayong maghanap hanggang makompleto na kayo. Bawat group ay mayrong isang leader na maaaring nirerespeto ng bawat group member. Ang common goal ay kailangan magbayad ng weekly amortization ng inyong loan. Magtulongan ang bawat member kapag mayrong isa na hindi mkakapagbayad.

The whole group will undergo a short orientation. Ipapaliwanag ang mga terms and condition ng Pagasa Lending sa bawat membro para walang sisihan pagdating ng weekly dues at iba pang kaganapan pagdating repayment ng inyong utang. Kailangang maintidihin ang mga alintuntunin at ang mga bagay na dapat iwasan bilang isang kasapi ng group at client ng Pagasa Lending. Ang orientation ay maaaring gagawin sa Pagasa branch office nakabuo ng sampung membro ang isang groupo sa isang area na napagkasunduan. Kung isa o dalawa lang sa mga meeting place ng group sa inyong mga barangay gaganapin ang orientation. Ang orientation ay ibibigay sa isang Development officer or isang Pagasa Lending representative.

Ang SGL ay maaaring makakapag-Loan mula P5,000 hanggan P15,000 sa kanilang first loan. At pwede silang aabot ng P40,000 on their succeeding loan depende sa kanilang repayment performance. Kung updated lagi ang inyong payment every week, in every reloan madadagdagan ito mula P1,000 up to P5,000 depende sa kakayahan mong magbayad.

SGL Requirements: 
Borrower: 
Bgry Clearance Original Copy For Loan Purposes
Photocopy of Valid ID

Co-maker:
Photocopy of Valid ID- 2 persons

Ang SGL ay mayrong babayaran na P50 as membership fee. Pero kung sakaling hindi sila makakapasa sa CI or credit investigation, ibabalik sa kanila ang P50.

2. SBL or Small Business Loan - ito'y individual loan na pwedeng ma-avail na kahit sinong tao na may legal na negosyo na handang mag sumiti ng mga kakailanganing requirements. Dahil individual ito, hindi mo na kailangang maghanap pa ng mga kasamahan mo para makapag-apply ng loan.

Ang SBL ay maaaring makakapag-Loan mula P16,000 to P30,000 on your first loan sa Pagasa Lending. On your succeeding loan, madadagdagan ito ng mula P1,000 hanggang P10,000 in every reloan depende sa good performance mo sa pagbabayad o ng iyong capacity to repay your loan. Pwede kang umabot up to P60,000 maximum loan.

3. SEL or Small Entrepreneural Loan - Individual loan pa rin ito tulad ng SBL. Malaki ang pwedeng hiramin sa loan product na ito. Sa unang loan, pwedeng itong makahiram ng mula P60,000 up to P100,000. Every reloan ay maaaring madagdagan ng P1,000 hanggang P15,000 depende sa kakayahan mong magbayad ng iyong loan.

At ang pinakamataas ng halaga na pwedeng ibibigay nila on your succeeding loan ay P300,000. Ang loan product na ito ay para sa mga may medyo malalaking negosyo na at may kakayahang magbayad sa weekly or monthly loan amortization.

Requirements for SBL and SEL

Borrower: 
Bgry Clearance Original Copy For Loan Purposes
Photocopy of Valid ID
Photocopy of Business Permit (Brgy or Mayor's Permit

Co-maker:
Photocopy of Valid ID- 2 persons

Kapag hawak nyo na ang inyong mga requirements, pumunta agad kayo sa Pagasa branch na pinakamalapit sa inyo. Approach any Pagasa Staff para mabigyan kayo ng kaukulang form to fill up. 

Kapag natapos na ang pagsumiti ng mga requirements at naka fill-up na din kayo ng form, isa sa Pagasa staff ang mag conduct ng CI or credit invistigation sa bahay nyo at sa business area nyo kung SBL at SEL ang ina-aplayan nyong loan.


Ang tatlong uri ng loan products ng Pagasa ay may kaakibat na contributions:

Small Group Loan
Membership Fee: P50
Savings/LCBU: P50

Small Business Loan
Membership Fee: P100
Savings/LCBU: P100

Small Entrepreneural Loan
Membership Fee: P150
Savings/LCBU: P100

Other Loan Deductions
DRF - Death Risk Fund = P10 per P1,000 loan
DST - Documentary Stamp =P5 per P1,000 loan
5% Savings  on Principal Loan

Example: P5,000 Loan
MF/Membership Fee: P50
Savings: P300
DRF: P50
DST: 25

TOTAL: P425

For Pagasa Philippines Lending branches, please read this link: 
http://bit.ly/StatsProductsBranches

Thanks: Daryll Catalan Mati City Branch Manager

No comments