Fast Cash Review - From Clients Desk

Ikaw ba ay gipit? Malayo pa ang sahod at wala ng pang budget? Tara pagusapan natin ang Fast cash online lending. Nauuso na ngayon ang online pautang (loan) unlike noon na kung gusto mo mag loan sandamakmak na requirements at need pa ng c.i bago ka makautang. 

Ngayon ang kailangan mo nalang ay internet para ma download ang app, valid ID's, payslip (dipende sa lending kung hihingin). Ang FAST CASH ay isa sa mabilis na pautang, mabilis mong malalaman kung approve ba o decline ka. Kailangan mo lang ma fill-upan ang pasasagutan nila. Personal information, education, work mo. 

At kailangan mo din ng bank account dahil doon nila ipapasok ang loan mo sakaling ma approved ka. Napaka daling mag apply ng loan sa fast cash, wala ng paligoy ligoy hindi ka paaasahin pa ng ilang araw bago malaman ang resulta.

 Pero lahat naman ay may side comment sa isang pautang siguraduhin po natin na makakapag bayad tayo on time kung ayaw po ninyong sumakit ang ulo sa kakatawag ng agent nila plus tatawagan talaga nila ang mga nasa phonebook mo kaya make it sure na maging responsable po tayo sa pagutang sa kanila. 

Isa ako sa nakaranas ng harassment ng isa nilang agent hindi ko na babanggitin ang name ni agent tinawagan niya ang nasa phonebook ko which is hindi ko naman sinali sa references ko, ganoon katindi si fast cash at 1 week before ng due date mo tatawag na sila ireremind ka sa duedate mo.

   Sa ngayon pwede kang umutang simula 3,000.00 hanggang 8,000.00 sa kanila. Pero tandaan lang na hanggang 14 days lang ang binibigay nilang araw ng pagbabayad sa kanila. 

Post a Comment

0 Comments