Cashalo Review - From Client's Desk

CLIENT'S DESK:


Sa panahon na gipit kay Cashalo kumapit....

Tanda ko gipit ako nung panahon na sumubok ako kay Cashalo dahil sa tulong na din ng PPOG sa mga share link nila na nabasa ko., isa so Cashalo sa may pinakamababang interest na ipinapatong sa pagkakautang nyo at ang maganda pa dito yung inutang mong amount buo mo pa ding makukuha kumpara sa ibang lending na bawas ang tubo at ang processing fees na hinihingi nila. 

Magandang alagaan ang cashalo dahil maganda siya para sa mga nagnenegosyo sa liit ng interest na ipinapatong nila dito. Paano nga ba makapag loan dito. Una siguraduhin natin na kumpleto tayo ng requirements o documents na ipapasa tulad ng valid ID's, payslip at need din ng email at company number ng pinagtatrabahuhan mo.

Once na na fill up mo na mga need na fillupan, automatic may mareceive ka kaagad na text regarding sa status ng loan mo kung approve o decline. At kung minsan lalabas kaagad sa Cashalo app mo na failed ibig sabihin at decline processing ibig sabihin naman ay approve ayon sa nabasa ko sa isa sa mga reply nila sa nag inquire sa loan status nila. 

Ito ang ang problema 2-3 days ang disbursement medyo matagal lalo na kung emergency na sana e baguhin ng cashalo na kahit within 24hours nalang sana. Pero pag dating sa pagbabayad ito ang maganda sa kanila lampas isang buwan ang payment schedule nila for your 1st loan at 3 months naman for your 2nd loan. Mabait din ang mga ahente na tumatawag tanda ko nga delayed nako ng 1day sa kanila pero napaka mahinahon pa din ng babaeng ahente na kausap ko. 

Kaya sa mga nagbabalak mangutang dyan try to consider the cashalo lending, ito ay PANG MASA. Available to sa android phone (playstore) at sa mga IOS 

Post a Comment

0 Comments