Cashalo -From Clients Desk

CLIENTS DESK:

Isa sa mga lending app na approved para sa akin ay si Cashalo , dahil sa mahabang repayment terms nito at mababang interest.

30 to 45 days ang pwedeng pagpilian sa pagbabayad kay cashalo 2000 to 10,000 naman ang amount na pwedeng iloan.

Para sa akin bukod kay Tala si Cashalo na din ang masasabi ko na hindi gahaman sa laki ng kanilang tubo.

Kung gaano naman kagaan at kaganda ng kanilang serbisyo ay pagdating sa singilan strikto ito.
Mababait ang kanilang mga CSR (Customer Service Representative). Hindi sila nagbibigay ng installment o prolongation di tulad ng ibang lending company. Lahat naman tayo dumadating sa panahon na kinakapos hindi ko na bayaran si Cashalo sa takdang araw ng pagbabayad ko. Maliit lamang ang kanilang Penalty fee 7pesos per day , inabot ako ng 1month at di pa din nakakabayad kay Cashalo.

Nung tanghali habang kami'y kumakain ng aking anak may isang lalaki na sa labas ng amin bahay na tinatawag ang aking pangalan , nagpakilala sya na Collector Agent ng Cashalo at hinahanap ako.
Tama po kayo ! May field visit si Cashalo ! 

Mahinahon lamang niya ako kinausap at niremind sa bayad ko , inabutan niya ako ng maliit na papel kung saan ko sila pwedeng kontakin upang masettle ko na ang aking payment.

Agad agad akong naghanap ng pera nung araw din na iyon dahil sa hiya ko sa mga kapitbahay ko na nakakita at nakinig sa paguusap namin ng agent.

Nagtungo agad ako sa pinakamalapit na 711 sa lugar namin at nagbayad through dragonloans. Pag kabayad agad din naman naclear ang loan ko sa Cashalo app.

Kinabukasan naisip kong magreloan sa Cashalo , iniisip ko na baka hindi na ako makaloan sakanila dahil sa late payment ko na inabot ng isang buwan pero sinubukan ko pa din magbakasakali na makaloan ulit sakanila.

Pag submit ko ng application laking gulat ko nagtex sila agad at approved ang reloan ko ! Salamat Cashalo dahil kahit na nagkaroon ako ng bad record sa inyo ay pinaloan niyo pa din ako , kaya para sa akin approved na approved din kayo !

Post a Comment

0 Comments