Cash Lending -Isa Na Namang Reklamong Client

FROM CLIENT DESK:

Napakalupet talaga ng Cash Lending pagdating sa mga delayed payments. Kahit mag-process kapa, siguradong tatawagan nila ang mga taong nakalista sa contacts nyo during sa pag-apply nyo ng loan. Hindi naman talaga maiiwasa na maabirya, hindi lahat ng pagkakataon may laman ang bulsa natin. Maliban nalang kung ikaw ay sila Henry Sy at Lucio Tan.

Napansin ko kasi sa mga nagmamay-ari ng mga lending online ay hindi mga Filipino, maliban nalang sa Cashalo. Pati ang #1 lending app na Tala ay hindi rin Pinoy ang may-ari. Kaya malakas ang loob nila maningil dahil hindi nila ramdam ang paghihirap ng mga Pinoy.

Ok lang na mangutang sa kanila pero kapag hindi kayo magbabayad or ma-delayed ang pagbabayad nyo, doon mag-uumpisa ang problema. Siguradong hindi kayo patatahimikin nila. Kaya hangga't maaari iwasan natin ang ma delay para hindi kayo guguluhin nila. Dito sa USAPANG PERA hindi kami nahuhuli sa pagbabalita tungkol sa mga bad reviews ng mga lending app na masyadong malupet. Kayo na ang bahala kung mag TAKE kayo ng RISK.

Isang followers ng USAPANG PERA ang dumulog sa amin through email dahil sa karanasan nya with Cash lending. Confidential ang kanyang pangalan kaya ang kwento nalang nya ang ating alamin.

Hi po admin.inform ko lang po kayo sana masabihan nyo po yun iba at thank u din po pala sa mga guide.share ko lng po experience ko Kay cash lending nagdue po ako  sa kanila pro po nanghiram po akoo kasi nadelay tlgaa sahod namin  but nun di po akoo nkbyad on time pinagtatawagan po nila contacts ko sa phone.inatake sa puso mama ko because hinarass nila at sinabihan ippkulong akoo sa halagang 3000 na loan ko.di ko nmn po tatakasan utang ko.

Kaso lahat ng ktrbaho ko in inform nila na may utang ako..nirecord ko po usapan namin  ng legal daw nila.sa ngayon po may 3 akong lending app na awa ng Diyos nkkpagbyad nmn ako.yun sa cash lending po di ko pa nasettle kasi everytime n download ko app nila PRA sa payment kinukuha nila lahat ng info sa contacts ko.

Pati fb ko hinack  din po nila pti emails etc.sobrang nkakastress mangutang pro plan ko po next next week pa ko settle ng utang ko sa knila.sana po confidential to share ko lng po sa inyo.

Anonymous Lady

Post a Comment

0 Comments