Tala 14 days Loan Extension

Share:
Napakaganda talaga kay Tala Philippines. Pagkatapos ng 7 days grace period na walang additional amount para sa penalty, nag-extend na naman ng another 14 days ang Tala sa akin at a very low extension fee of P548 only. Napakalayo sa ibang lending companies na kahit isang araw lang ay lulubo na agad ang iyong loan. Walang katulad ang Tala, nag-iisa ito sa larangan ng loans and lending sa online world.

Bukod sa mababang interest, hindi din tulad sa iba na isang araw palang na hindi nagbabayad, tinatawagan ang mga tao sa iyong contacts. Sisirain ka nila sa mga kaibigan mo na naging kasama doon sa contacts ng iyong cellphone. Manggagalaiti ka sa galit kapag ganun ang gagawin nila sa mga kakilala mo o kaibigan mo. Ang masaklap, baka ang matatawag ay yong contact person sa lending company na ina-aplayan mo ng loan.


Wala akong plano na takbuhan ang Tala. In fact, nagsent ako ng SMS sa kanila na sinadya kong hindi bayaran dahil mayron lang akong gustong malalaman lalo na sa mga penalties nila kung sakaling hindi nagbabayad. Hindi naman kasi ito ni-revail nila sa kanilang website at sa kahit sa ibang mga site na nagbigay feedback kay Tala.

Kaya ngayon may idea na tayo kung gaano kaganda ang Tala na uutangan. Bukod sa hindi ka ma stress dahil sa mga tawag ng iba't-ibang agent, ang Tala ay napaka tahimik. Walang manggulo sayo sa loob ng 7 days at I think pati na rin sa 14 days.

Sa P7,000 na loan balance ko, P548 lang ang extension fee sa loob ng 14 days. Napakaliit lang compared sa iba. Tataposin ko lang ang 14 days extension at babayaran ko na itong loan ko kay Tala.

Ayaw ko ding masira ang aking credit score sa kanila. Walang ibang napakadaling lapitan bukod kay Moola Lending kaso lulunurin ka naman sa laki ng interest nila pero kung convenient, halos pareho lang ang dalawa. Sa interest lang talaga, ang layo ng agwat nilang dalawa, parang langit at lupa ang pagitan.

Sa mga mayrong existing loan kay Tala, huwag nyong sirain ang credit score nyo sa kanila dahil sila lang ang may pinakamaliit na interest at napakadaling lapitan sa oras ng pangangailangan. Kung sisirain mo, wala kang mapupuntahan na may puso at nag-iisip ng kapakanan ng kanilang mga client dahil napaka FAIR ang kanilang intrest rate.

#1 recommended dito sa USAPANG PERA ang Tala Philippines. Kung mapansin nyo, ang Tala lang ang may napakaraming review post dito sa website namin. Ibig sabihin lagi naming pino-promote ang Tala kay sa ibang mga lending companies. Kung sino ang hindi pa nakakautang kay Tala, subukan nyo at kayo na mismo ang magsasabi ng magandang kwento kay Tala Philippines. Para sa complete guide kung paano magLoan at kung ano ang mga requirements, please read our guide sa link na ito: http://bit.ly/2OhbjlL

No comments