Pondo Peso Lulunurin ka sa Interest

Share:
Isa na namang followers natin ang naglabas ng kanyan saluobin tungkol sa hindi magandang proseso ng Pondo Peso lalo na sa pagpapatupad ng mga hidden charges sa pera na uutangin mo sana sa kanila. Bukod sa hindi maganda ang paraan nila sa pagkuha ng inyong personal details, patong-patong din ang mga charges na ibabawas nila sa loan mo. Ito ang mababasa natin sa komento ng ating Usapang Pera followers. Please basahing mabuti at unawain para may makukuha kayong leksyon  at kung paano kayo makakaiwas ng ganitong mga pangyayari. Gawin natin itong Anonymous kahit may online name siyang nilagay sa kanyang comment sa isang post natin dito sa USAPANG PERA.


hi guys..mabilis talaga sila mag approve..nung una maganda yung pag loan sa knila..kaso kapag iloan u n..kung approved ka ng 4400 yung service charge u s loan 700 plus na agad..iba pa yun kapag magbayad ka or ma overdue yung 14 days repayment nila..and ang matindi nyan d sila magbbgay ng options to repay it..gusto nila buo mong babayaran unlike s iba na pwedeng partial paymnt..grabe cla..

kpg 14th day na dapat buo ung babayaran e d u nga nkuha ng buo loan mo dhil mas malaki pa nkuha nilang service charge compared sa pinahirm nila sayo..pero d nila ilalagay sa app agad yun malalalman u n lng ung paymnt option kapag nkuha u n ung pera..mga scammers! taz kapag d u p mabayaran agad 2days past due pa lang 24hrs silang ttwag sayo kahit tulog k p..or galing s trabaho o nagtatrabaho..normal nmn un..pero dpat mag consider cla ng time na ttawag sila dahil may mga taong nagttrabaho sa gabi na tulog sa umaga..


tsaka magbabayad naman may pa collections na agad at pamumwersa kahit di u pa sahod..mabigat dn kaya ung walang repaymnt options? sss at pag ibig nga n legit sa gov natin kapag mag loan ka may computation p e..kung magkano kalatas at paymnt frequency..sa pondo peso wala..as in magugulat ka na lang yung 4400 na inutang u 3days past due 4800 na agad..ganun po sila katindi sa interest kaya sa mga nangangailangan ng pera..s dmi ng mga loan app na ganto paki check po ng maayos..

Kung dati ang Robocash at Moola Lending ang nangunguna sa laki ng tubo o interest, ngayon dumadami na sila. Kalalabas lang sa world wide web nitong Pondo Peso pero inulan na agad ito ng pambabatikos. Hindi naman kasi tama ang pagpapatupad ng mga requirements at mga charges nila. Kaya kung kayo ay gustong umutang, umiwas-iwas tayo sa mga lending na masyadong mataas ang interest para hindi kayo magka problema sa bandang huli. Isiping mabuti kung kailangan ba talagang mangutang, mabuting basahin ang post namin tungkol dito. Please CLICK this link: http://bit.ly/2vDsC86

No comments