Pondo Peso -Back To Normal Na!

Share:
Back to normal na nga ba ang Pondo Peso? O marami pa ding abnormalities na nararanasan nga mga client nila. Isa na dito ang disbursement problem. Nong nakaraan, bigla nalang nawala ang OFFLINE disbursement. Umiiyak ang karamihan dahil marami ang umaasa at  dependent sa mga padala centers tulad ng Palawan, Cebuana Lhuillier at M.Lhuillier. Ilang araw din ang inaantay ng lahat bago ito bumalik.

Pagkatapos noon, inulan ng reklamo ang Pondo Peso mula sa mga old  and new client nila. Kung saan-saan makakabasa ka ng mga reklamo mula sa galit at atat na mga client. Yong iba kasi, binayaran ng maaga ang kanilang loan para makakapag reloan pero nauli sa wala. Kaliwa't kanan ang reklamo at mukhang  wala ng patutunguhan dahil hindi pa rin na solusyunan ang problema. Kaya, ang ginawa ng Pondo Peso, DISABLED lahat ng method of disbursement.

Tuloy pa rin ang reklamo pero wala na silang magagawa. Walang makakausap na taga Pondo Peso para magpaliwanag kung anong nangyayari. Walang sumasagot sa facebook page at pati sa email. Walang pakundangan pa rin ang karamihan sa pambabato ng reklamo laban sa kanila. Kahit saan ganun pa rin ang hinaing, approved ang loan pero hindi nakukuha. Walang reference number dahil TRANSFERRING parin ang nakalagay sa app. 

Kaya napilitan na mag-antay ang lahat. Kami din dito sa USAPANG PERA, hindi natahimik dahil panay tanong ng mga clients nila at humihingi ng updates. Wala kaming ibang magawa kundi pakalmahin ang lahat, umuasang babalik sila at hindi aalis ng walang paalam. Nagpapasalamat din kami dahil kumalma naman ang karamihan at laging nag-aantay ng bagong updates.

Ngayong araw, finally  nakakatanggap na rin kami ng magagandang balita na bumalik na sa normal ang Pondo Peso. May mga nakakakuha na rin ng kanilang loan sa mga padala centers especially M.Lhuillier. Salamat sa mga nagbigay impormasyon sa amin na bumalik na sa normal ang Pondo Peso, hindi nalang namin isa-isahin ang mga pangalan nyo dahil marami kayo.

Kahit minsan ang kulit nyo sa amin pero nagpapasalamat pa din  kami dahil sa nabuo nating magandang relasyon lalo na  sa paghahanap nyo ng finacial assistance at dahil dyan napunta kayo dito sa USAPANG PERA at pati na rin sa PPOG.

Kung akala ng lahat 100% normal ang pagbabalik ng Pondo Peso, para sa kaalaman ng lahat, ang sagot ay HINDI. Dahil ngayon hindi na lahat nakakakuha ng kanilang loan disbursement. Marami ang nakakatanggap ng screen message na LOAN APPLICATION FAILED. At ang kasunod na explaination ay ganito "SORRY. TRANSACTION FAILED DUE TO TOO MANY APPLICANTS AS OF THE MOMENT. PLEASE TRY AGAIN LATER. IF OFFLINE DISBURSEMENT FAILS TOO MANY TIMES, YOU CAN TRY THE ONLINE DISBURSEMENT OR RETRY THE NEXT DAY."

Ang akala natin sa Globe at TM lang mayrong capping sa pag-register ng mga UNLI PROMOS, ngayon mayron na din pala sa Lending companies. Hindi na lahat pinagbibigyan dahil sa daming nag-apply sa kanila. May limit na rin sila sa number of persons everyday na mabigyan ng kanilang loan disbursement. Isa lang ang  dahilan nito, malamang not enough ang funds or kino-control nila ang releasing para hindi lulubo ang laki ng halaga na maibigay nila sa mga tao at baka tatakbuhan sila nito.

Para sa mga apektado sa pagbabagong ito, patience lang ang kailangan, makaka-LOAN din kayo. Sabi ng karamihan napakalaki ng interest ng Pondo Peso at bukod pa rito ay napakaiksi ng kanilang  terms for loan repayment pero sige pa rin ng sige ang karamihan na magLoan at mag-reloan. 

Hindi sila natatakot sa malaking interest, importante makakautang sila at masolusyonan ang kanilang problema sa financial pansamantala. Kaya, abang-abang lang muna ang hindi pa nakakuha ng kanilang TURNO para sa kanilang loan disbursement.

 At least bumalik na si Pondo Peso at alam natin marami ang maututulongan na mga taong nangangailangan. Antayin lang talaga natin ang pagkakataon na ibigay ang gusto natin.

No comments