OFFLINE Disbursement ng Pondo Peso Available Na

Share:
Nitong mga nagdaang araw, panay reklamo ang mga followers natin dito sa USAPANG PERA dahil nawalang bigla ang OFFLINE method ng Pondo Peso sa kanilang Loan Disbursement. Karamihan sa nagreklamo ay walang mga bank account na pwedeng papasokan ng kanilang hiniram na pera kaya, malaking abala tuloy sa kanila lalo na yong nagbabayad ng maaga para lang makapag reloan.

Hanggang sa ngayon kahit bumaba na ang minimum initial deposit ng mga bangko pero  marami pa din ang walang bank account. Dahil ang karamihan din tinatamad kumuha ng mga kinakailangang requirements dahil mismong valid ID na primary need to open a bank account ay wala sila. Malaking tulong para sa lahat na magkaroon na tayo ng National ID para lahat ay may access na sa pagbubukas ng bank account na hindi na kailangan kumuha ng mga primary at secondary ID's.


Goodnews para sa nag-aabang na maging available ang offline method nila, time nyo na para ipagpatuloy ang hindi natapos na transaction dahil nawala ang offline method. Ngayon available na uli ang tatlong OFFLINE method nila ang CEBUANA LHUILLIER, M.LHUILLIER at PALAWAN. Mamili nalang kayo kung saan sa tatlo ang comfortable sa inyo na kukunin ang pera na hiniram nyo sa Pondo Peso. Importante na malapit ito sa inyo at hindi na kayo gagastos pa ng malaki para sa pamasahi.

Hindi namin rekomended ang Pondo Peso sa USAPANG PERA pero marami ang natutulongan na mga followers namin. Sabi nga ng nakautang na sa kanila at nakapagbayad ng maayos, wala naman dawng problema at wala naman tumatawag sa mga references nila. Ibig sabihin nito, saka lang magkaproblema tungkol sa pang gugulo nila kapag hindi kayo nagbayad sa tamang panahon. Kaya para maiwasan, dapat bayaran ang hiniram at kung magkaproblema man, humanap ng paraan para mabayaran at hindi na antayin na guluhin pa kayo saka magreklamo at saka magbabayad.

Responsibilidad natin na nanghihiram o nangungutang, regardless kung magkano ang interest nito -malaki man o maliit basta huwag kalibutan ang pagbabayad sa araw na pinagkakasunduan. Panatilihing alagaan ang ating reputation lalo na sa mga kompanya na ating inutangan. BE A RESPONSIBLE BORROWERS!

No comments