Kilala Mo Ba Ang SENDER Ng Pondo Peso?

Share:
Kahit nag-aalanganin ang karamihan na mag-apply sa Pondo Peso, napipilitan pa rin ang mga ito na kumapit sa patalim kahit maraming hindi magandang feedback galing sa ibang nakasubok ng umutang sa kanila. Nabulabog ang lahat ng malalaman sa mga sumubok na kailangan mong e provide ang email address mo at password ng iyong Google Play account. Hindi lang yon, pati facebook mo ay kailangan ding e link sa app nila. Marami ang kinakabahan pero itinuloy pa rin.

May mga nagrereklamo din kahit nagawa ng 100% ang kanilang Pondo Peso app account, hindi pa rin makaka-avail ng loan dahil wala pang loan limit na binigay ang company. Siguro dahil sa daming nag-apply naguguluhan na sila kung sino ang uunahin. Hindi gaya sa ibang online lending na gumagamit ng auto checking system, kapag hindi papasa sa system ang application mo, automatic itong madi-deny. Kung pumasa naman sa auto checking system, ito'y magpapatuloy sa evaluation team. Doon na mangyari ang CI o credit investigation.

Kung sakaling mayrong karagdagang document na hihingin, Pondo Peso will communicate sa applicant. Kapag kompleto na ang lahat at qualified ka based doon sa evaluation nila, you will be notified mostly through Pondo Peso Mobile App. Kaya ugaliing laging e check ang kanilang app para may update kayo sa inyong loan application. Once nakapili na rin kayo ng method paano mapadala sa inyo ang pero na inutang nyo, agad itong ipapasok sa bank account mo o ipapadala nila ito sayo kung ang pinili mo ay padala centers.

Kung wala kayong bank account at pinili mo ang padala center, ang tanong ngayon -alam mo ba ang sender ng iyong pera na kukunin? Maraming branches ng padala center ang hindi pareho ang ipinatutupad na rules, minsan depende din ito sa mood ng teller or cashier. Kay may iba't-ibang paraan ang proseso na sinusunod ang mga frontliner ng padala centers.

Una, sa form pa lang na susulatan nyo para mag claim kayo, hinihingi na dito ang name ng SENDER. Kaya para makuha ito, balikan nyo ang app ni Pondo Peso, nakalagay doon ang AMOUNT at ang Sender na si: ZHANG HONGYI at siya ay nakatira sa bansang INDONESIA. Pero kung tatanungin nga kayo kung saan galing ang pera, speak politely sa cashier or teller na ang pera ay GALING SA ONLINE LENDING o LOAN mo ito sa internet. Pero karamihan, hindi naman nagtatanong ng address kung saan ito galing pero mayron talagang teller na nagtatanong kaya alam mo na kung paano sasagutin ito.

Note:
Advice from one of our reader and follower:


"Hi po added info lang po baka sakaling makatulong pagapproved na po magclaim kau kung sa mlhuiller lagay nyo po ung sender name na na binibay sa inyo tapos /ECC phils po ata un at intl remittance po cya .Hope it helps po kasi ganyan din po ang ginawa ko."

2 comments: