Hindi Mo Ba Alam ang SENDER ng TALA?

Share:
Maraming pumasa sa kanilang loan application kay Tala Philippines. Syempre naman, tanging ang Tala lang ang pinakamabilis mag-approved ng loan sa lahat ng online lending gamit ang mobile app. Simply lang ang kailangan para pumasa ka sa kanila, photo of you valid ID at Selfie na hawak mo ang iyong ID. Sa loob ng 24 hours, pwede mo ng makuha ang iyong loan kapag ang gamit mo ay coins.ph wallet. 

Maraming method na ginagamit ang Tala para sa loan disbursement ng isang approved client. Bukod sa coins.ph, pwedeng ring ipapasok nila ang pera mo sa iyong bank account. Hindi tulad sa coins.ph na walang charge, buo mong makukuha ang iyong pera na inutang compared sa bank na meron itong P30 na bawas, processing fee at service charge. Pareho lang din ang mababawas kapag ang pipiliin mo na method ay pera padala like Cebuana at Palawan.

Dahil marami ang walang coins wallet at lalo na walang bank account, karamihan sa mga umutang kay Tala mas gusto nila na sa pera padala nalang idadaan ang kanilang loan disbursement. Ang first loan kay Tala ay P1,000 so kung sa pera padala mo ito kukunin, ang makukuha mo nalang ay P970, after 30 days ang babayaran mo ay P1,125 kasama na dito ang interest.

Kahit madali lang mag CLAIM sa mga pera padala centers, marami din ang nahihirapan dahil hindi nila alam kung sino ang SENDER ng pera na kukunin nila. Karamihan sa mga branches ng Cebuana Lhuillier at Palawan ay hindi kilala ang Tala. Kaya hinihingi nila ang SENDER ng padala na kukunin ninyo. Sino nga ba ang sender ng Tala Philippines  sa inyong loan disbursement kapag e CLAIM nyo ito sa pera padala centers? Tandaan ninyo ang mga pangalan para hindi kayo mahihirapang magtanong-tanong kung kanino kung sino ba talaga ang sender ng Tala.


CEBUANA LHUILLIER CLAIM: COINS.PH
PALAWAN CLAIM: CHRISTIAN ROXAS

Tandaan nyo ang dalawang uri ng SENDER ng Tala Philippines para makukuha nyo agad ang pera na inutang nyo na hindi na kailangan umuwi pa sa bahay nyo at hahanapin itong blog natin para makuha ang pangalan ng sender. Sa mga nagplano ding mangutang kay Tala, mabuting isulat nyo ito sa papel at itago nyo sa inyong wallet para madali nyo lang mahanap.

No comments