Benju Fast Lasted Update

Share:
Marami ang nakakagusto sa serbisyo ng Benju FastLend dahil napakadali nitong mag-approved ng loan at wala ng daming pipil-apan pa sa kanilang website. Isang ID picture lang ipapasa mo at payslip, maaari ka ng makakahiram sa kanila. Kahit ako nasubukan ko ding humiram sa kanila dati at namangha talaga ako. Hindi pa ako nagpakilala sa kanila noon na taga USAPANG PERA at PPOG. Lalo na siguro kung nagpakilala ako sa kanila, malamang, hindi pa ako nag-apply ng loan -approved na kaagad. Hehehe. No, I'm just kidding para tumawa naman kayo. Huwag sana tumaas ang kilay nyo.

Napakaliit din ng interest nila compared sa iba. Daily ang kanilang interest rate, kahit on going pa yong counting ng inyong loan terms pwede kanang magbayad at ang calculation ng interest ay depende kung ilang araw na nong time na you paid your loan. The more na babayaran mo ng maaga, mas lalong lumiliit ang interest na babayaran mo. 

Hindi naka-fixed ng 7, days, 14 days, 21 days or 30 days ang interest rate nila. Ganun ka tindi ang serbisyo Benju FastLend. Pero hindi ipagkakaila, maraming mapagsamantala sa paligid. Maraming hindi nakakapagbayad. Isa na dito ang isang naging moderator sa PPOG. Kung nasundan nyo ang mga previous post namin about sa kanila, hindi ako involve sa nangyari. Nagkataon lang na ginamit ng ibang members at ng mga moderators dito ang pangalan ng PPOG. 

Yon ang dahilan, kung bakit natanggal silang lahat na maging moderator at na KICK na rin ang iba dito sa group.

Ganun pa man, tuloy pa rin ang serbisyo Benju pero medyo maingat na ngayon. Nadawit ang PPOG sa bad reputation na nakuha ng mga moderator at ng mga members. Bilang ADMIN kailangan kong gumawa ng action para hindi mapapahamak ang PPOG na laging inaalagaan ko ang good reputation nito. Ito ang dahilan kung bakit, nag-iisang ADMIN lang ako para hindi madawit sa kahit anong mga anumalya dahil sa kanya-kanyang agenda.

Kahit naging malamig ang ugnayan namin ni Benju dahil sa nangyari pero hindi ko sila sinasaraduhan ng pinto. Mga mababait ang mga agent nila compared sa iba. Hindi sila nangha-harass ng mga client. Nakikiusap sila at minsan humihingi ng awa pa. Tuloy pa din ang bigay update nila sa akin kahit noong nakaraan medyo hindi ko sila pinapansin.

Ang latest update mula sa kanila mismo ngayon para na rin ito sa kaalaman ng lahat, na nagpasa ng application sa kanila, sa ngayon namimili sila ng mga application na kanilang asikasuhin habang hindi pa natapos ang pag-upgrade ng kanilang system. Kunti lang silang nagta-trabaho sa opisina kaya aasahang mabagal ang response ng kanilang evaluation. Nag-focus sila ngayon sa pagpapautang sa mga companies na naging suki na nila. Ibig sabihin kapag empleyado ka sa company na napuntahan na nila at nagkakaroon ng informal MOA, sila ang madaling makakautang kay Benju.

Kaya sa ngayon huwag muna tayong umasa sa kanila dahil hindi pa muli fully operational ang loan service Benju para sa lahat. Naging maingat lang talaga sila dahil sa mga pangyayari nong nakaraan na maraming hindi nakakapagbayad. Naintindihan ko sila doon. Anyway, marami namang mga bagong lending na pino-post namin dito, kaya yon lang muna ang susubukan ninyo para makahiram ng pera.

No comments